Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Managua (pagbigkas sa wikang Kastila: [maˈnaɣwa]) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Nicaragua, at sentro ng isang departamentong may parehong pangalan din. Matatagpuan sa timog-kanlurang baybayin ng Lawa ng Managua at sa loob ng Departamento ng Managua, tinatayang nasa 1,042,641 ang populasyon nito noong 2016 sa loob ng administratibong hangganan ng lungsod[1] at isang populasyon na 1,401,687[1] sa kalakhang lugar nito, na karagdagang kabilang ang Ciudad Sandino, El Crucero, Nindirí, Ticuantepe at Tipitapa.[2]
Dinideklera ang lungsod bilang pambansang kabisera noong 1852.[3][4] Noong nakaraan, nagpapalit-palit ang kabisera sa pagitan ng mga lungsod ng León at Granada.
May dalawang posibleng pinagmulan ng pangalang "Managua". Maaring nagmula ito sa katawagang Mana-ahuac, na sa katutubong wikang Nahuatl ay sinasalin bilang "katabi sa tubig" o ang lugar na "pinapaligiran ng tubig."[3][4] O, maari itong nagmula sa wikang Mangue, kung saan ang salitang managua ay sinasabing nangangahulugang "lugar ng malaking tao" o "pinuno." Tinatawag ang mga residente ng lungsod bilang managuas, managüenses, o capitalinos.
- ↑ 1.0 1.1 Anuario Estadístico 2015 (PDF) (Ulat) (sa wikang Kastila). INIDE. Pebrero 2016. pp. 2, 51. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong Disyembre 15, 2017. Nakuha noong Disyembre 1, 2017.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- ↑ Proyecto NIC10-59044: Promoción de un Transporte Ambientalmente Sostenible para Managua Metropolitana (PDF) (Ulat) (sa wikang Kastila). UNDP, Pamahalaan ng Nicaragua. Hulyo 2008. p. 9. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2016-05-09. Nakuha noong 2016-04-24.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- ↑ 3.0 3.1 "Managua". La Prensa (sa wikang Kastila). Marso 9, 2006. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Nobyembre 11, 2013. Nakuha noong Hunyo 19, 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- ↑ 4.0 4.1 "Resurge el centro de Managua en busca de su antiguo esplendor" [The center of Managua resurges in search of its old splendor]. El Nuevo Diario (sa wikang Kastila). Pebrero 1, 2014. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Oktubre 9, 2020. Nakuha noong Mayo 27, 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)