Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Colturano (Milanes: Colturanus [kultyˈrãː]) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Milan sa rehiyon ng Lombardia, hilagang Italya, na matatagpuan mga 15 kilometro (9 mi) timog-silangan ng Milan.
Ang Colturano ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Mediglia, Tribiano, San Giuliano Milanese, Dresano, Vizzolo Predabissi, at Melegnano.
Ang Colturano ay isang agrikultural na lokalidad na may sinaunang pinagmulan.
Sa panahong Napoleoniko (1809-16) ang Colturano ay isang nayon ng Mediglia, na nakuhang muli ang awtonomiya nito sa pagtatatag ng Kahariang Lombardo-Veneto.