www.fgks.org   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Wikipedia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 19:49, 25 Enero 2004 ni Mang kiko (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)

Ang Wikipedia ay isang wiki-based na ensiklopedya na may malayang nilalaman. Ito ay tinatawag na malaya sa dahilan na ito ay malayang magagamit at mapapalitan ng kung sino man. Ang Wikipedia ay multilinggual at pinamamahalaan ng Wikimedia Foundation.

Ang Wikipedia ay sinimulan bilang isang proyekto na nasa wikang Ingles noong Enero 15, 2001 at sumunod na lamang ang mga proyektong Wikipedia sa iba't ibang wika.

Pangunahing karakter

Ang proyektong Wikipedia ay mayroong tatlong pangunahing karakter, na nagbibigay ng katangian ito sa World Wide Web:

  1. Ito ay, o may pangunahing layunin na maging, isang ensiklopedya.
  2. Ito ay isang wiki na maaring palitan ng kung sino man, maliban sa ilang natatanging pahina.
  3. Ito ay may malayang nilalaman, at gumagamit ng tinatawag na copyleftGNU Lisensya para sa Malayang Dokyumentasyon.

Patakaran

Ang mga kalahok sa Wikipedia ay sumusunod, at pinagtitibay, ang ilang patakaran.

Unang una, dahil sa iba't ibang idolohiya ng mga lumalahok sa Wikipedia gagawin ng Wikipedia ang lahat ng makakaya upang manatili na walang pinapanigan ang nilalalman nito. Ang layunin ay para ipakita ang lahat ng pananaw sa ng isyu ng artikulo.