www.fgks.org   »   [go: up one dir, main page]


Thursday June 23, 2011


Home
About UP
Internationalization
Administration
Academic Programs
Admissions & the UPCAT
STFAP Online
Special Features
UP Forum Online
UP Newsletter
Carillon Newsletter
UP Post
The UP Charter
The UP Centennial
The UP Centennial Fund Campaign
UP Centennial Souvenir Items
UP WebMail
UPD CRS
The Main Library
Alumni
Links
Jobs
FAQs
Contact Us
UP Newsletter Articles
This Issue
UP tops PHL universities in QS rankings despite non-participation
JO. FLORENDO B. LONTOC
UPD has new vice-chancellors
CAMILLE DELA ROSA
UP students, staff select new regents
Preventive suspension of UP Cebu College dean, 2 others
Mothers of missing UP students file charges vs. Palparan et al.
ARLYN VCD ROMUALDO
Former UP VP appointed PCIEERD chief
ARLYN VCD ROMUALDO
UP professors, progressive groups demand freedom for detained UP alumnus
KIM QUILINGUING
Makialam: Kalayaan at konsepto ng piitan
MAI UICHANCO
Democratic governance impedes academic reform
FLOR LACANILAO
In praise of the dictatorship of the highly published
RAMON GUILLERMO
CMC honors Lourdes Estella-Simbulan (1957-2011)
BERNICE P. VARONA
In medias res, paalam
LIBAY LINSANGAN CANTOR
UPLB forest technician killed, suspect remains at large
KIM QUILINGUING
Asteroid named after incoming UPD freshman
BERNICE P. VARONA
Pascual urges UPOU grads to excel
ARLYN VCD ROMUALDO
UP College of Medicine awarded Level IV accreditation
Film Institute thesis wins bronze in Bangkok film fest
12 tips from an UPCAT examiner
ARLYN VCD ROMUALDO
What you need to know about the UPCAT
ARLYN VCD ROMUALDO
Environmentalists campaign vs deforestation through art
MAI ANDRE D.P. ENCARNACION
Making the grade at UP
JO. FLORENDO B. LONTOC
Applying for STFAP
CELESTE ANN CASTILLO LLANETA
UP Diliman as dining, recreation haven
BERNICE P. VARONA
Pascual calls for prudence in spending
FRANCIS PAOLO M. QUINA
Selected Mindanao youth complete internship at HOR
MAI ANDRE D.P. ENCARNACION
UPMin students win Davao Urban Transport Vision contest
RENE A. ESTREMERA
UP Mindanao, Hiroshima University to conduct studies on peace-building
RENE A. ESTREMERA
PHL needs to define its baselines ‐ UP Law prof
KIM QUILINGUING
UP celebrates SP Lopez’s birth centennial
KIM QUILINGUING
Writers’ union to hold literary conference on Rizal for teachers
UPD to mark Rizal’s 150th b-day with int’l confab
Strict admission policy for UP athletes
ARLYN VCD ROMUALDO
UP Newsletter Volume xxxii   Number 06    2011-06-01
browse the archives
< Back to UP Newsletter Home
Makialam: Kalayaan at konsepto ng piitan
Mai Uichanco



“Ang bilangguan ng Batangas Provincial Jail ay isang maliit na bahagi lamang ng mas malaking bilangguan—ang lipunan. Ang masa sa loob at labas ng bilangguan ay iisa, pare-parehong pinagsasamantalahan, parehong inaapi, parehong nililinlang ng bulok na sistema ng hustisya sa bansa, at pare-parehong biktima. Napagtibay ko sa aking sarili na hindi mapipigilan ng pader, rehas, at mga posas ang pagpapatuloy ng sinimulang mapagpalayang paghihimagsik sa labas ng bilangguan... At ito ang magiging dakilang tungkulin na kailangang gampananan sa loob ng bilangguan—ang palayain ang masang bilanggo mula sa kanilang nakakulong na isipan, makitid na mundong ginagalawan at isabay sila sa daluyong ng pablaban para sa mga karapatan ng mamamayan at tunay na hustisya.”

-Maricon Montajes, mula sa isang 18-pahinang sulat mula sa bilangguan

Napakatalas ng mga salitang naglalagablab sa galit sa loob ng 18 pahinang sulat ni Maricon. Nagagalit ang mga pahina na paulit-ulit tinahi ang mga salitang pasismo, masa, militar, kahirapan, pambubusabos sa maraming pangungusap. Nakakatuwa ding sa kabila ng galit, tampok pa rin ang mga katagang walang kapagurang pakikibaka, paglilingkod sa masa, pagmumulat sa sambayanan—mga katagang mataas na diwa ng aktibismo sa kabila ng isang taon  na ring pagkakapiit sa kulungan, mula sa ilegal na pagkakadakip ng mga elemento ng 743rd Combat Squadron ng Philippine Air Force noong Hunyo 3, 2010.

Higit na nakakatuwa na habang sinusulat ko ito, sa kabila ng pagiging agitated ni Maricon, sumasagi sa aking alaala ang mga unang pagkakataon na nagkita kami sa Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon sa UP Diliman. June 2008 noon at kasagsagan ng enrollment. Abala ako sa pagiging bahagi ng konseho ng mga mag-aaral nang makilala ko si Maricon—suot ang usong-uso na puting Artwork na T-shirt, naka-Chucks na may neon green na sintas, kulay kalawang ang kanyang buhok habang nakikinig sa kanyang iPod. Hindi ako lubusan pang naniwala na tibak (aktibista) siya, dahil na rin sa bihis niyang hindi nagpamalas ng “simpleng pamumuhay.”

Lubusan pa kaming nagkakilala, habang ako ay nasa konseho, siya naman ay miyembro ng organisasyong UP Sining at Lipunan (UP SILIP). Organisasyon itong nakabase sa MassComm, pinapahusay ang sining ng pelikula at pagkuha ng litrato taliwas sa dogma ng “art for art’s sake,” bagkus, paglilinang ng midya para patuloy na magmulat sa mga estudyante at mga mamamayan hinggil sa mga katotohanang panlipunan.

Takot si Maricon magutom, sa totoo lang, umiiyak siya kapag nagugutom. Maarte siya manamit (sa katunayan, madalas namin siyang pagsabihan kung masyadong “revealing” ang kanyang suot). Kaya noong nagpaalam siya noong May 2009, niyakap ko siya at ng iba pa, hindi lamang sa diwa ng pamamaalam kundi sa diwa ng paghanga na sa mabilis na panahon ay nabuo niya ang kahandaang iwan pansamantala ang matiwasay na buhay para makipamuhay sa mga pesante at linangin ang pelikula kahit ang potograpiya para idokumento ang iba’t ibang mukha ng pagsasamantala, lahat sa isang lugar at sa panahong walang katiyakan.

Tunay ngang walang ipinanganak na aktibista, lahat ay sumisibol sang-ayon sa kalagayang panlipunan. Bilang tuition and other fee increases (TOFI) baby, hindi naging mailap sa kanya ang krisis sa edukasyon, hindi naging abstrakto para sa kanya ang kagustuhang sa pinakasimple, baguhin ang maling umiiral. Taong 2007 nang pumasok siya bilang resident photographer ng publikasyong Outcrop sa UP Baguio—nakipamuhay sa komunidad ng mga Kankanaey at sa maagang edad nakita kung paanong ang militar ay nakasira sa kanilang komunidad. Taong 2008 nang lumipat siya sa UP Diliman, at lalong sumidhi ang pagkamulat niya sa krisis, sapat para hindi na lamang siya magkasya sa pakikibaka para sa kalagayan ng kapwa niya estudyante, tinanaw niya ang pagtulong sa masa. Tampok sa kanyang karanasan ay ang piket ng mga manggaggawa ng Kowloon House sa West Ave. Nang minsang hagisan ng mga pulis ng tear gas ang kubol o kampuhan ng mga manggagawa, isa si Maricon sa kabataang hindi nag-atubiling habulin ang mga pulis upang sila’y itaboy pap
alayo sa picketlayn. Pagbalik sa bulto, sinabi sa kanila ng mga manggaggawa—“kung hindi dahil sa inyong kabataan, hindi kami magtitiyaga sa picketlayn...pinapalakas niyo ang loob namin.”  Kalaunan, natapos din ang piket ng mga manggaggawa. Sa tagumpay ng piket sa Kownloon House, lalo nitong pinasikad ang kagustuhan ni Maricon na magtuluy-tuloy na kumilos. Kaya hindi nakapagtataka na noong Mayo 2009, nagpaalam siya.

Bente-uno anyos. Sa ganitong edad dapat pinakamalaya ang tao. Malayang makipagbarkada, tuklasin ang mga bagay na gusto niya at hindi niya nais gawin, magkamali, magsisi at matuto. Pero, sa kasamaang-palad, sa ganitong edad, ginawa siyang kriminal ng estado dahil sa kanyang pampulitikang paninindigan, kasama sina Romiel Cañete at Ronilo Baes—dalawang nakasama niya sa hanay ng pesante. Silang tatlo ang kasalukuyang tinatawag na  Taysan 3.

Sa pagtatapos ng panunungkulan ni Gloria Macapagal-Arroyo, umabot sa 371 ang bilang ng detenidong pulitikal sa bansa. Lahat ng ito ay naganap sa balangkas ng Oplan Bantay Laya 1 & 2 na naglayong tugisin ang lahat ng lumalaban sa estado. Sa loob ng bagong administrasyon, halos walang pinag-iba dito ang Oplan Bayanihan, dahil kapwa sila tinulak ng planong counter-insurgency na binuo ng Estados Unidos at pilit na pinapatupad sa mga bansang may papet na pamunuan tulad ng Pilipinas.

Hindi mali ang lumaban at sa katunayan, wala itong kinikilalang edad. Si Maricon, o EEDOM sa kanyang kababata at malapit na kapamilya ay tumindig para sa tunay na esensya ng kalayaan. Pinanganak noong Pebrero 25, at matamang niyakap ang diwa ng palayaw niya na isang paalala ng kung paano sama-samang tumindig ang sambayanang Pilipino para patalsikin ang diktadurang Marcos. Natutuhan ni Maricon na hindi ganap na malaya ang lipunan—habang ang manggagawa ay alipin ng sahod, walang tunay na reporma sa lupa, walang katiyakan sa paninirahan, hanggang ang edukasyon ay para sa iilan, lahat tayo ay bilanggo ng lipunang nagpoposturang demokratiko. Sa ganitong diwa, tunay ngang mas maraming bilanggo, pero mas masahol dito ang mga bilanggong hindi batid na sila ay nasa piitan, at higit sa kanila ay mga bilanggong nagkakasya na lang maging bilanggo.

Ang kampanya para sa mga detinidong pulitikal ay hindi lamang kampanya para sa pagpapalaya para maalpasan ang mga pisikal na rehas ng isang bilangguan. Sa pinakaesensya ito ay sama-samang paglansag sa tanikalang hadlang sa pagkamit natin ng panlipunang-hustisya. Ito ay isang kilusan, hindi lamang para kay Maricon at sa ilang daan pa, kundi para sa sambayang Pilipinong kumakalam ang sikmura at sa araw araw ay pagal ang katawan. Hangga’t may nagtatanim ngunit hindi nakakakain, hangga’t may manggagawa ngunit hindi matamasa ang kanyang nilikha—ito ay kilusan, habang, hangga’t may pagsasamantala.

--------------------

Si Mai Uichanco ay nagtapos sa Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon sa UP Diliman.

Gusto mong makialam? Ipadala ang iyong sanaysay sa wikang Filipino (500-700 salita) sa UP System Information Office (upsio@up.edu.ph).


Printer friendly page  


University of the Philippines Diliman | Manila | Los Baños | Visayas | Mindanao | Baguio | Open University
University of the Philippines System, Diliman, Quezon City, Philippines. VoIP: (+632) 981-8500.
Copyright © 2007 UP System Information Office.