www.fgks.org   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Delfindakila (usapan | ambag)
No edit summary
Delfindakila (usapan | ambag)
m Inilipat ni Delfindakila ang pahinang Philippine Area of Responsibility papunta sa Lugar ng Alalahanan ng Pilipinas
(Walang pagkakaiba)

Pagbabago noong 14:50, 10 Nobyembre 2020

Lugar ng Alalahanan ng Pilipinas (Inggles: Philippine Area of Responsibility) ay isang lugar sa hilagang kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko kung saan binabantayan ng pambansang ahensya ng meteorolohiya ng Pilipinas, ang PAGASA, ang mga kaganapan sa panahon. Ang mga insidente ng sama ng panahon lalo na ang mga tropical depression at bagyo na pumasok o nabuo sa PAR ay binibigyan ng pangalan na ginagamit lamang sa Pilipinas.

Sakop

Ang "Philippine Area of Responsibility"

Ang sakop ng PAR ay itinalaga ng anim na mga punto:[1]

  • 25°N 120°E
  • 25°N 135°E
  • 5°N 135°E
  • 5°N 115°E
  • 15°N 115°E
  • 21°N 120°E

Sakop nito ang lahat ng kalupahan ng Pilipinas maliban sa pinkatimog na bahagi ng lalawigan ng Tawi-Tawi, at ang ilang mga inaangking kapuluan nito sa Kalayaan. Sakop rin ng lugar nito ang pangunahing pulo ng Palau, karamihan ng Taiwan, at ilang bahagi ng estado ng Sabah ng Malaysia at ang prepekturang Okinawa ng bansang Hapon.

Gamit

Ang panukalang nagtatag sa PAGASA ay inuutos ang ahensya, partikular ang National Weather Office nito, na bantayan ang mga kaganapang pangpanahon sa loob ng PAR.[2] Itinakda ng World Meteorological Organization ang lugar na ito.[3]

Ang mga tropical depression at bagyo ay binibigyan lamang ng lokal na pangalan ng PAGASA kung ito ay pumasok o nabuo sa PAR.[4][5]

Kapag may insidente ng sama ng panahon sa PAR ay inaasahang gumawa ng landfall o nag-landfall sa Pilipinas, ang PAGASA ay may tungkulin na maglabas ng ulat sa panahon sa bawat anim na oras. Kung ang sama ng panahon ay hindi nagaapekto sa lupa, ang PAGASA ay may tungkuling lumabas ng ulat sa bawat labindalawang oras.[6]

Mga Sanggunian

  1. "Memorandum Circular No. 02-2013 - Guidelines on Movement of Vessels During Heavy Weather" [Memorandum Sirkular Blg. 02-2013 - Gabay sa Pagbiyahe ng mga Sasakyang Pandagat Tuwing Matindi ang Panahon] (sa wikang Ingles). Tanod Baybayin ng Pilipinas. Hunyo 5, 2013. Nakuha noong Nobyembre 30, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Presidential Decree No. 78 -Establishing the Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration" [Panukalang Pangpangulo Blg. 78, Ang Pagtatag sa Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko]. The LawPhil Project (sa wikang Ingles). Disyembre 8, 1972. Nakuha noong Nobyembre 30, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Tropical cyclones, rainfall advisories" [Paalala ukol sa mga bagyo at pagpatak ng ulan]. Rappler. Septembre 22, 2017. Nakuha noong Nobyembre 30, 2017. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong)
  4. "Philippine Tropical cyclone names" [Pangalang Pilipino ng mga Bagyo] (sa wikang Ingles). PAGASA. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Disyembre 28, 2016. Nakuha noong Enero 17, 2017. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Rosero, Earl Victor (Septembre 27, 2011). "Why and how storms get their names". GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 30, 2017. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong); Unknown parameter |trans-tile= ignored (tulong)
  6. Carillo, Jose (Hulyo 18, 2014). "Getting acclimatized to PHL's weather terminology" [Pagiging sanay sa mga terminong pangpanahon ng Pilipinas]. Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 30, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)